/*test*/

July 26, 2008

Paul's Funniest Videos VIII



DAPA!!!

PFV VII

The long wait is over nandito na ang anticipated episode ng PFV...

July 18, 2008

Y107 Loveteam Polls ( Coming Soon )

Due to insistent public demand the Poll of the hottest loveteams of the y107 class will be seen soon on Y107.tk.


Joyce and Nel

Photobucket


Cher and Jhayvee

Photobucket


Ollie and Peds

Photobucket


Chan and Rochelle

Photobucket


Paul and Jherlaine

Photobucket


Puri and Grace

Photobucket


NOTE:
sa mga ayaw makita ang pagmumukha nila sa mga loveteams just tell me im willing to remove them (ang arte mo)

(Ang Loveteams na makikita dito ay di totoo, linikha lamang ito upang makapagbigay saya sa mga audience, sa mga iniibig (gf and bf) ng mga nasa loveteams walang pikunan at wag awayin ang iniibig, at sa mga kasali sa loveteam walang pikunan)

Paul's Funniest Videos Episode Five

July 17, 2008

Paul's Funniest Videos Episode IV



hilarious!!!

Algebra;Sayounara

July 17, 2008, katapusan na ng mundo ko... Ang araw na pinaka ayaw kong dumating, iniisip ko pa lang parang magkakastroke na ko, alam niyo ba kung ano ito? ito ang kinasusuklaman at sinusumpa ng lahat ng tulad ko ang araling ALGEBRA. Ano ba ang meron sa araw na ito? Ang araw na ito ay tiyak puno ng pasakit at kaparusahan, ang araw na ito ay ang exam sa algebra.

Pagkadating sa iskwela nasaksihan ko ang lahat ay nagkakandarapa sa pagrereview, para bang isasalang sila sa kawali pagkatapos ng ilang sandali, lahat magulo. wala kang makakausap kung hindi lang ang mga katulad mong may angking takot sa Algebra.

Dumating na si ma'am, bakas sa kanyang mukha na gusto na niyang kumain ng bata. Hawak hawak ang mga test papers. Habang tinitignan ko ang mga test papers naiimagine ko na yun na ang huling 2 oras ko sa buhay ko. Iniisip ko kung bakit ako nandoon, Iniisip ko kung paano ko malulusutan lahat ng problemang ibabato sa aming mga mukha.

Nagsimula na kami, Gamit ang sandata ko na isang ballpen linabanan ko ang mga kampon ng aking maestra, nakipagespadahan ako sa mga numero, Di ako nagpadaig, may lahi ata akong manghuhula. Madaming paraan sa panghuhula eto ang mga sumusunod na paraan para sa multiple choice:

1.Eenie meenie mynie mo
Success Rate:
30-50%
Kailangan:

daliri at pagbibilang
How to do:
Gamit ang daliri bigkasin ang eenie meenie mynie mo sa mga letra sa multiple choice, umpisahan minsan sa gitna o sa hule.

2.Bunutan
Success Rate:
30-50% din
Kailangan:
Apat na maliliit na piraso ng papel at bulsa sa Blouse o Polo
How to do:
Lagyan ng a b c at d ang bawat papel, ibulsa ito sa blouse o polo, bawat item sa test pumikit at bumunot ng isa at TADAN!!! may sagot ka nang letra.

3.Pick a Letter
Success Rate:
10% lamang
Kailangan:
Utak at Imagination
How to do:
Pumili lang ng letra ayon sa iyong gusto, Pumili ka lang ganon lang kadale, Paganahin ang espiritu ng tsamba.

(Ang mga naturang Tips ay nakalap ko lamang at pinagsamasama, do it at your own risk.)

July 16, 2008

Polls Issue

Polls will be posted after the preliminary exams. Im doing this because it will affect the studies of Christian Tubig, Jhayvee Lawingco and the others. They will not review their lessons instead they will allocate their time for voting. I dont want this site to be the reason of their failure in their studies. Sorry for the inconvenience.

Informative and Educational polls will be posted soon after the prelims thank you.

Godbless,
-admin Ichi



July 14, 2008

Jhay Vs. Paul

Image hosted by servimg.com

Story Will Be Posted Soon... Thank You
(Ang Istorya Ay Ipopost... Malapit na... Salamat)
(Ing Istorya Ipost kedin Malapit na GAGAD)

New Look...New Feel

Bagong Look at Bagong Pakiramdam..

y107.tk ay nagbabalik upang maghandog muli ng mga bagay na makakapagdulot ng saya, katatawanan at kalokohan sa harap ng inyong mga computer.

ABANGAN:

Papa Fahad's Videos
Tack's Amazing Short Stories
Paul's Funniest Videos Episode 4 and 5
New Articles
New Polls
New Stories

at mga iba pang di ko pa pedeng sabihin ( wag kayong magmadali kahit ako excited na din )



July 8, 2008

PAUL'S FUNNIEST VIDEOS EPISODE III



enjoy watching...

July 7, 2008

Experience in Algebra

Algebra, Algebra, Algebra sa mga tulad ko marinig mo pa lang yan matatakot ka na, Pag nakakakita ako ng mga numerong sinusulat sa board parang gusto ko ng magpakamatay sa sobrang inis at takot.. meron kasi akong numerophobia o ang takot sa numero ang numerophobia ay pauso ko lang kaya wag niyong gamitin sa personal usapan. Mas mahirap ang algebra kung sasamahan mo pa ng isang halimaw na propesor. Kaninang umaga ( July 7, 2008 ) ang araw na binago lalo ang pananaw ko sa algebra. Masaya akong pumasok dahil napaaga ako. Binalak ko talagang pumasok ng maaga kasi mangongopya ako ng asayment sa mga kaklase. Dumating na si maam, nagpray na kami... Nakasulat lamang ako ng apat na sagot sa asayment eh 22 items yun kahit anong gawin ko sa 4 points eh di ako papasa. Di ko alam anu yung pinagaaralan namin, basta may x at y at z meron din palang a b at c. Si maam namin ay terror konting kaluskos lang "ALANG MAYNGE" eh ako sa malayo lang lage ang tingin ko. Namamaga kasi ang utak ko pag madami akong nakikitang numero. Para sa akin ang numero ay untiunting sinisira ang aking utak at nilalason ito para di na magamit. Natapos ng magcheck, pansin ko na wala atang balak magdiscuss si maam, natuwa ako ng napansin ko yun gusto kong maglulundag sa saya, para bang nakalaya ako sa matagal na pagkakakulong, Biglang nagsalita si maam, naglitanya siya ng mga magagandang asal ng mga matitinong estudyante na dapat naming gawing modelo, makalipas pa ang ilang sandali eh magchecheck na siya ng attendance. Syempre ako sa sobrang inip eh naisipan kong gatungan si mam habang tinatawag ang aking mga klasmeyts. Kakagatung ko kay maam eh sinigawan niya ko ng malakas, na para bang narinig kong sumigaw si Lion King, ipinarating niya sa akin na para daw akong alulod salo daw ako ng salo. Nasaktan ako sa aking narinig,gusto ko ng umiyak unti-unti namumugto ang aking mga mata pero pinilit kong huwag umiyak dahil nakakahiya. Nanahimik na lamang ako, Nagsermon na naman si maam, naiimagine ko sa kanya ang isang baby armalite na di nauubusan ng bala. Guess what nakita na naman niya ako, tila ba pinapatamaan niya ko sa mga sinasabi niya. Gulung gulo na ko at di ko alam anu ang aking maaring gawin sa mga sinasabi niya tungkol sa akin. Di ko alam kung may matinding galit ba siya sa akin o mukha lang talaga akong katrip-trip? Tinatanong ko ang diyos sa mga oras na yun bat ako pa? ang dameng tao sa klasrum bat ako pa? hindi ba ko naging mabuti? ano ang magagawa ko eh namamaga ang utak ko sa mga numero. at alam niyo ba na pati ayus ng paa ko eh pinakekelaman niya?takte naman, haharap lang ako sa bintana pupunahin niya pa ko?Hay naku she's such a loooser... siguro malapit na siyang magmenopause kaya ganun siya o kaya naman eh naiinis siya sa pagmumukha ko. Pogi naman ako ha?hmmm...

July 4, 2008

Rogelio "Dads" Mariano will replace Ding Dong Dantes in the telefantasya Dyesebel

Screenshots:
Photobucket

Rogelio "Dads" Mariano will replace Ding Dong Dantes in the soap Dyesebel, Ding-Dong had problems with his team-up with Marian Rivera in the production. Auditions are held to find the right leading man for Marian. Many wanted to replace Ding-Dong's Fredo role in the soap. Rogelio "Dads" Mariano was handpicked by respected director Joyce Bernal. "Siya ang pinakabagay para sa naiwang role ni Dong sa Dyesebel bagay na bagay sila ni Marian" Ms.Bernal said. Many fans are excited for this on screen team up. I hope it will not destroy GMA networks reputations as the no.1 network here in the Philippines.

-Tita Jenny of Toro magazine

Dadz peace kata!!!

Algebra

Naisip ko lang kung bakit kailangan pang pag-aralan ang algebra?? Ikaw sang-ayon ka ba sa akin?
Palagay ko kung katulad kita oo. Ang algebra is the study of numbers that will poison your mind until its out of its nutrients. Ewan ko nga ba kung bakit pang matutunan ito. Pag ba bibili ka ba sa tindahan tatanong ba nila "what is y in the equation?" o kaya kung bang magbabayad ka ng jeep tatanong pa ba nila kung "y+x+z is the simplified term for the polynomial". Tangina namamaga utak ko sa mga numero. Naniniwala ako na kailangan lang matutunan eh yung mga ADD, MINUS, MULTIPLY, DIVIDE pede nading isali yung Fraction. Pati ba naman X at Y sinasali sa mga number, linalagyan pa ng mga signs. Tsk tsk tsk mahirap na hinihirapan pa. Kapag maguumpisa na ang klase sa algebra parang bibitayin ako. Parang nakikita ko na malapit na ang impyerno pag maguumpisa ng magsulat sa board si maam. tapos pag nagsalita na siya para siyang isang monster na uhaw sa mga batang ayaw sa numero, isang maling sagot tiyak di ka niya iiwanang buhay. Pag nageexam na di ko alam kung san ko huhugutin ang mga sagot. Parang unti-unti akong sinasakal habang dumadami ang mga tanong, gusto kong sumigaw pero walang nakakarinig.

Nagtataka nga ako sa mga nagrarally at nagpepeople power. Nagrarally sila dahil mataas ang presyo ng gasolina, bigas, matrikula, bilihin at iba iba pang pedeng itaas presyo. Nagrarally din sila kapag ayaw nila ang isang opisyal o isang batas. Bat di kaya nila iwelga at irally na alisin na ang algebra. kaysa "IBAGSAK SI GLORIA" bat di nalang "IBAGSAK ANG ALGEBRA".

Naisip ko nga di ba ang tao ayaw sa problema? Eh bat pilit tayong binibigyan ng problema?problema sa algebra..

(lahat ng nabasa at nakita ay base sa akin... Ito ang aking nararamdaman kaya wala kang pakialam OK? nakikibasa ka nalang nagrereklamo ka pa youre such a loooser)

July 3, 2008

Kawawang Puri " I do hate you"

Original GM ni Puri kaninang 11:00am:

"Y-107



Isa lang gux2 qo marineg kay
graCE ..


'i do'..uhaha jK. .:p"

At pagbalik ko sa SJ room habang umuulan narinig ko ang usap-usapan nila sa room na
nagreply daw si Grace sakanya.


(Parang Marimar at Sergio kasi Love Story nila kaya lang ang pagkakaiba nga lang eh si Puri ay hindi si Sergio at nangagarap lamang si Puri na balang araw mamahalin siya ng kanyang iniibig.)

Dali-dali akong tumakbo para matanong kung anong ano bang rineply ni Grace kay Puri.

Naghalo ang aking naramdaman nung narinig ko yung inireply ni Grace. Di ko alam kung iiyak ba ko o magdadabog. Gusto kong sunugin ang buong Holy Angel sa narinig ko. Tinanong ko sa sarili ko, Dapat bang danasin ni
Puri ang ganoong bagay? Dapat ba? at naiisip ko din kung saan pa humuhugot ng lakas si Puri para mabuhay kung nangyayari lahat sa kanya ang kahihiyan na ito.


By The Way Ang Rineply Pala ni Grace ay:


"I DO, I DO HATE YOU"


Tiyak gumuho ang mundo ni
Puri sa kanyang narinig. Alam kung gusto niyang umiyak pero di niya mailabas, Bilib nga ko sa kanya kasi naiinda niya lahat ng sakit. Gusto ko nga siyang tanungin ng "Puri, bat di ka umiyak?dapat mong ilabas yan." at "Puri,tao ka ba?napakamanhid mo naman" at "Puri, Tigilan mo na siya, your not destined with each other."

Purihin Si Puri

PURI!!!PURI!!!PURI!!!PURI!!!PURI!!!

July 2, 2008

Paul's Funniest Videos Episode II

Paul's Funniest Videos
Episode II


Paul's Funniest Videos

PAUL'S FUNNIEST VIDEOS
Episode 1






Uminom muna nag dalawang Bonamine
( Para sa mga bobo ang bonamine eh yung pampatanggal hilo )
dahil masyadong wild ang inyong mapapanuod.
At kahit dalaga at binata na kayo magsama padin kayo ng magulang habang
pinapanuod ito dahil madameng maseselang eksena at pananalita ang matutunghayan
at maririnig dito.


MASAYANG PANUNUOD!!!

July 1, 2008

Rules And Regulations Of The Site

Rules:

1.Lahat ng makikita dito ay maaring kunin nino man, icopy paste niyo man wala akong pakialam. Masaya ako na nakakatulong ako sa Inyo.
2.Wala kayong karapatang magreklamo dahil di nyo naman ako sineswelduhan sa mga ginagawa ko dito. Sana kahit minsan naman maisip niyo na pinakinabangan niyo ako at sana paburger naman kayo.
3.Wala akong kinalaman kung maOSSA man kayo o maPULIS kayo dahil sa site na ito. Buksan at gamitin ang site na ito at your own risk. Ayoko ng dinadamay niyo ako kasi di ko kayo pinipilit na buksan ito.
4.Ang iba sa nilalaman ng site na ito ay hindi akin. Kinuha ko rin sa ibang websayt.
6.Akala mo siguro Bobo ako kasi di ako naglagay ng number 5 asa ka.
7.WALANG PIKUNAN!!! bawal ang mapikon dito. Ginagawa ko ito upang tayo ay sumaya dahil parereho nating alam na mahirap ang buhay kolehiyo.
8.Sa mga ayaw ng site na ito PAKAMATAY NA KAYO!!!
9.Hanggat maari, Huwag ipagsasabi na tayo ay may-site baka iblock ng ITS ang site.
10.Kung may suggestion kayo at concern ipaalam sa akin. Di naman ako mahirap hanapin.


RESUME no.3 (FUNCOM)

Nakita ko sa mga documents sa shop, kung maarte kayo at ayaw niyo padin yung dalawang nauna eto na ang hinahanap niyo, pag di nyo padin nagustuhan

"PAKAMATAY KA NA"


copy link and then paste to address bar:
http://www.sendspace.com/file/xlk3s9

Ordertaker Ng Ollie (MUST WATCH!!!)

OLLIE'S VERSION OF ORDERTAKER


last 2 years ago...
comment kayo...
hahaha...

POEMS (FUNCOM din)

eto ay magandang site para sa mga poems na kakailanganin para sa sakit sa ulong assignment sa FUNCOM. Madaming Categories ang makikita dito. Meron para sa mga sawi. Meron para sa mga umiibig at sa lahat.

http://www.netpoets.com/

Articles sa ( FUNCOM )

Ito ang news about sa Information Technology, Palagay ko accurate ang mga ito.

PAALALA:
DAPAT SA MAGASIN KUMUHA PERO KUNG WALANG MAGASIN DITO NA LANG WALA AKONG KASALANAN SA ANUMANG AABUTIN NYO SA SUBJECT NATIN DAHIL NAIS KO LAMANG MAKATULONG.



Paste This To Your Address Bar:
http://www.infoworld.com/

Resume Part 2 (FUNCOM)

eto pa ang isang resume kung umiral yung kaartihan nyo at ayaw niyo yung nauna OK?
Ayus din itong Resume na ito nakacolumns. sana magustuhan niyo.

copy and paste it to your address bar and click download resume 2.doc:
http://www.sendspace.com/file/5htmrp

SAMPLE APPLICATION TEMPLATE (FUNCOM)

eto ang application template para sa FUNCOM:

Sample Application Letter

I-type nyo na lang ulit dahil hindi nyo macocopy paste yan..

-ICHI

Resume Template (FUNCOM)

Eto yung template ng resume na kakailanganin natin sa FUNCOM,. Paki-edit nalang at ilagay niyo ang inyong personal na impormasyon. Eto ay kakailanganin natin para pumasa at malagpasan ang malaObstacle course na subject na FUNCOM. Pindutin ang link na idinikit ko sa ibaba at ito ay Idownload..


copy and paste this to your address bar then click resume template.doc:

http://www.sendspace.com/file/irqxa5

Welcome Y107

This is a site for the Y107 class of Holy Angel ( SY 2008 ). Ito ay ginawa ko upang mapadali ang pandaraya at matulungan ang aking mga kamag-aral ng madaling paggawa ng ibat-ibang walang kabuluhang bagay. Ito din ay magsisilbing websayt para sa buong klase.

maraming salamat...

-ICHI