/*test*/

July 7, 2008

Experience in Algebra

Algebra, Algebra, Algebra sa mga tulad ko marinig mo pa lang yan matatakot ka na, Pag nakakakita ako ng mga numerong sinusulat sa board parang gusto ko ng magpakamatay sa sobrang inis at takot.. meron kasi akong numerophobia o ang takot sa numero ang numerophobia ay pauso ko lang kaya wag niyong gamitin sa personal usapan. Mas mahirap ang algebra kung sasamahan mo pa ng isang halimaw na propesor. Kaninang umaga ( July 7, 2008 ) ang araw na binago lalo ang pananaw ko sa algebra. Masaya akong pumasok dahil napaaga ako. Binalak ko talagang pumasok ng maaga kasi mangongopya ako ng asayment sa mga kaklase. Dumating na si maam, nagpray na kami... Nakasulat lamang ako ng apat na sagot sa asayment eh 22 items yun kahit anong gawin ko sa 4 points eh di ako papasa. Di ko alam anu yung pinagaaralan namin, basta may x at y at z meron din palang a b at c. Si maam namin ay terror konting kaluskos lang "ALANG MAYNGE" eh ako sa malayo lang lage ang tingin ko. Namamaga kasi ang utak ko pag madami akong nakikitang numero. Para sa akin ang numero ay untiunting sinisira ang aking utak at nilalason ito para di na magamit. Natapos ng magcheck, pansin ko na wala atang balak magdiscuss si maam, natuwa ako ng napansin ko yun gusto kong maglulundag sa saya, para bang nakalaya ako sa matagal na pagkakakulong, Biglang nagsalita si maam, naglitanya siya ng mga magagandang asal ng mga matitinong estudyante na dapat naming gawing modelo, makalipas pa ang ilang sandali eh magchecheck na siya ng attendance. Syempre ako sa sobrang inip eh naisipan kong gatungan si mam habang tinatawag ang aking mga klasmeyts. Kakagatung ko kay maam eh sinigawan niya ko ng malakas, na para bang narinig kong sumigaw si Lion King, ipinarating niya sa akin na para daw akong alulod salo daw ako ng salo. Nasaktan ako sa aking narinig,gusto ko ng umiyak unti-unti namumugto ang aking mga mata pero pinilit kong huwag umiyak dahil nakakahiya. Nanahimik na lamang ako, Nagsermon na naman si maam, naiimagine ko sa kanya ang isang baby armalite na di nauubusan ng bala. Guess what nakita na naman niya ako, tila ba pinapatamaan niya ko sa mga sinasabi niya. Gulung gulo na ko at di ko alam anu ang aking maaring gawin sa mga sinasabi niya tungkol sa akin. Di ko alam kung may matinding galit ba siya sa akin o mukha lang talaga akong katrip-trip? Tinatanong ko ang diyos sa mga oras na yun bat ako pa? ang dameng tao sa klasrum bat ako pa? hindi ba ko naging mabuti? ano ang magagawa ko eh namamaga ang utak ko sa mga numero. at alam niyo ba na pati ayus ng paa ko eh pinakekelaman niya?takte naman, haharap lang ako sa bintana pupunahin niya pa ko?Hay naku she's such a loooser... siguro malapit na siyang magmenopause kaya ganun siya o kaya naman eh naiinis siya sa pagmumukha ko. Pogi naman ako ha?hmmm...