/*test*/

August 28, 2008

Y107 Anime Version ( Thanks To Lharvina Santos...You Rock!!!)

Y107 Anime Version
(Drawn by: Lharvina Santos)

i-Click Para Lumaki

I-Click Ito Para Makita ng Malinaw Ang Picture

"Ang anime version ng CICT Y107 class ng Holy Angel University. Hanapin niyo nalang ang pagmumukha niyo. Wag nang magreklamo kung hindi nyo kamukha, Pasalamat na lang kayo na nakasali pa kayo sa drawing at naiguhit pa ang inyong pagmumukha."





August 22, 2008

Y107's Newest Loveteam

"GlenKar"

Karen Pingul and John Glenn Gonzales


Y107.tk

Abangan ang kanilang Love Story...

August 21, 2008

Loveteam of the Semester

CherVee


Y107


Ang mga tao na ang humusga, Si Jayvee Lawingco at Cher Ayana Carreon ang Loveteam na kinakikiligan ng lahat.
Salamat sa mga Bumoto at tumangkilik sa Poll na "Best Y107 Loveteam"


August 16, 2008

Y107 Shirts


Sample 3:
Image hosted by servimg.com

DETAIL ADDED BY:
Lharvina Santos

August 10, 2008

Y107 Shirts:

Ang mga shirts na ito ay ang mga sample na pagpipilian natin para sa balak namin Y107 tees.
Kung kayo ay may suggestion o Design just tell me at ipopost natin sa site.

Sample2:
Image hosted by servimg.com

Sample1:

Image hosted by servimg.com

August 9, 2008



Kinds of Students


1. Comedians - Mga kamag-anak ni Bitoy,Ito ang mga taong di makukumpleto ang araw nang hindi nagpapatawa, Karaniwang makikita ang mga ito sa lahat ng uri ng klase. Matatawag din silang KSP, mga taong naghahangad ng pansin. Madalas din sila ang nagtatanngal ng antok at inis kapag ang instructor niyo sa algebra ay bumubula na ang bibig. Madalas tinitira ng tukso ang mga tripbox ( kung ano ang tripbox ay malalaman mo din maya-maya).

2.Brainy - Ang mga students na kulang na lang ay sambahin ang edukasyon at mga libro. Sinusulit nila ang binayad nila sa kolehiyo, minsan nagoovertime pa. Ginawa sila ng diyos upang mag-aral at maghasik ng pagaaral. Sila ang magpapatunay sa pauso ni Rizal na "Ang Kabataan ay Pag-asa ng Bayan.

3.Blanko - Biglang susulpot at mawawala na parang bula. Mga taong naglulustay ng tuition fee, Palaging bakante ang kanilang silya.Kung nandiyan man sila eh ang katawan lang at ang isip nila ay may pakpak na nakakarating kung saan-saan. Pag quiz na ang madalas nilang sagot ay blanko.

4.Kikays - mga babaeng wala ng ginawa kung hindi magpaganda,magpaganda,magpaganda.
Together with their kikay kit linalabanan nila ang kapangitan. Madalas makikita sa student center na nagtatawanan at lageng may hawak na cellphone.

5.Kikoys - kung may girl may boy din, Lageng may dalang polbo at alcohol sa bag,at di mabubuhay kung walang salamin. Ma-late man sila basta guwapo sila OK lang. Madalas kinakain ng wax at gel ang kanilang buhok.

6.Thick - Mga makakapal na tao na kahit ilang ulit ng mahuli sa pandraya at pangongodigo eh uulit-ulitin padin, Ika nga "The Show Must Go On". Madalas produkto ng katamaran.

7.Tripbox - mga studyanteng laging tinutukso dahil sa kapansanan at mga katangian. Madalas pinagkukunan ng inspirasyon ng mga comedians upang makapagpatawa. Ang pinakakawawa sa klase.

8.Ichis - mga estudyanteng matatalino "ehem" at medyo may pagkaloco din minsan, yung tipo bang habang nagdidisscuss ang teacher eh nagiisip sila ng ibat-ibang makabuluhang bagay at kung paano mapapasaya ang kanilang sarili.


August 5, 2008

"Panahon Ng Hapon Y107 Style"

Y107

Sinadya kong labuan ang naturang piktyur upang mapangalagaan ang mga taong nasa likod ng litrato mula sa mga terrorista at mga taong may baril. Kung gusto niyong makita ang Malinaw na kopya ng piktyur itext lang ako sa numerong 09272551896

salamat...

August 1, 2008

Paul Miranda Maligayang Bertday!!!

Bertday ni Paul Miranda ang Joker ng Y107.tk, kung si batman ay may Joker, kami din meron,
Sa mga di nakakakilala kay Paul Miranda, Siya lang naman ang Host at tanging artista ng penomenal na serye sa youtube at internet ang Paul's Funniest Videos

Mga Kuha ng Advance celebration ni Paul na ipinagdiwang sa bundok Arayat:

Photobucket

Photobucket

Photobucket

Photobucket