/*test*/

July 17, 2008

Paul's Funniest Videos Episode IV



hilarious!!!

Algebra;Sayounara

July 17, 2008, katapusan na ng mundo ko... Ang araw na pinaka ayaw kong dumating, iniisip ko pa lang parang magkakastroke na ko, alam niyo ba kung ano ito? ito ang kinasusuklaman at sinusumpa ng lahat ng tulad ko ang araling ALGEBRA. Ano ba ang meron sa araw na ito? Ang araw na ito ay tiyak puno ng pasakit at kaparusahan, ang araw na ito ay ang exam sa algebra.

Pagkadating sa iskwela nasaksihan ko ang lahat ay nagkakandarapa sa pagrereview, para bang isasalang sila sa kawali pagkatapos ng ilang sandali, lahat magulo. wala kang makakausap kung hindi lang ang mga katulad mong may angking takot sa Algebra.

Dumating na si ma'am, bakas sa kanyang mukha na gusto na niyang kumain ng bata. Hawak hawak ang mga test papers. Habang tinitignan ko ang mga test papers naiimagine ko na yun na ang huling 2 oras ko sa buhay ko. Iniisip ko kung bakit ako nandoon, Iniisip ko kung paano ko malulusutan lahat ng problemang ibabato sa aming mga mukha.

Nagsimula na kami, Gamit ang sandata ko na isang ballpen linabanan ko ang mga kampon ng aking maestra, nakipagespadahan ako sa mga numero, Di ako nagpadaig, may lahi ata akong manghuhula. Madaming paraan sa panghuhula eto ang mga sumusunod na paraan para sa multiple choice:

1.Eenie meenie mynie mo
Success Rate:
30-50%
Kailangan:

daliri at pagbibilang
How to do:
Gamit ang daliri bigkasin ang eenie meenie mynie mo sa mga letra sa multiple choice, umpisahan minsan sa gitna o sa hule.

2.Bunutan
Success Rate:
30-50% din
Kailangan:
Apat na maliliit na piraso ng papel at bulsa sa Blouse o Polo
How to do:
Lagyan ng a b c at d ang bawat papel, ibulsa ito sa blouse o polo, bawat item sa test pumikit at bumunot ng isa at TADAN!!! may sagot ka nang letra.

3.Pick a Letter
Success Rate:
10% lamang
Kailangan:
Utak at Imagination
How to do:
Pumili lang ng letra ayon sa iyong gusto, Pumili ka lang ganon lang kadale, Paganahin ang espiritu ng tsamba.

(Ang mga naturang Tips ay nakalap ko lamang at pinagsamasama, do it at your own risk.)